Patakaran sa Privacy
TALAAN NG MGA NILALAMAN
PANIMULA
- LAYUNIN
- PROCESSOR
- MGA DETALYE SA PAKIKIPAG-UGNAYAN
- MGA REKLAMO
- MGA PAGBABAGO SA PATAKARAN SA PRIVACY AT ANG IYONG TUNGKULING ABISUHAN KAMI TUNGKOL SA MGA PAGBABAGO SA IYONG PERSONAL NA DATA
- MGA LINK NG THIRD-PARTY
- MGA KAHULUGAN AT ACRONYM
- DATA NA KINOKOLEKTA NAMIN TUNGKOL SA IYO
- PAANO KINOKOLEKTA ANG IYONG PERSONAL NA DATA
- PAANO NAMIN GINAGAMIT AT INIHAHAYAG ANG IYONG DATA
- BAKIT AT PAANO NAMIN GINAGAMIT ANG IYONG DATA
- PAGHAHAYAG NG IMPORMASYON SA MGA THIRD PARTY
- PAGGAMIT NG DATA SA KALUSUGAN SA UNITED STATES
- PAG-OPT OUT SA MGA KOMUNIKASYON MULA SA TRIALBEE
- PAGGAMIT NG MGA COOKIE
- MGA KAGUSTUHAN AT PAHINTULOT SA PRIVACY NG COOKIE
- PAGGAMIT NG DATA PARA SA MARKETING
- PAHAYAG SA COOKIE NG TRIALBEE
- PAGPROSESO NG DATA
- IMPORMASYON NG SUBJECT NG DATA
- PAGLILIPAT NG PERSONAL NA DATA
- SEGURIDAD NG DATA
- PAGPAPANATILI NG DATA
- ANG IYONG MGA KARAPATAN SA PRIVACY NG DATA SA ILALIM NG GDPR AT UK PRIVACY
- WALANG KINAKAILANGANG BAYARIN
- ANG IYONG MGA KARAPATAN SA PRIVACY NG DATA SA ILALIM NG CCPA
- MGA BATA
- IBA PANG IMPORMASYON
PANIMULA
Ang website at patakaran na ito ay ibinibigay at pinagtitibay ng Trialbee AB (Trialbee), na may numero ng pagpaparehistro bilang korporasyon na 556814-3019, at may pangunahing lugar ng negosyo sa Södra Tullgatan 3, SE-211 40 Malmö, Sweden.
Ipinagbibigay-alam sa iyo ng patakaran sa privacy na ito ang tungkol sa mga prinsipyong namamahala sa paggamit namin sa personal na data na isinumite mo, o nakuha namin mula sa iyo sa pamamagitan ng isang website o sa pamamagitan ng pagpaparehistro bilang isang user ng mga online na serbisyo na ibinibigay namin.
Kinikilala ng diskarte ng Trialbee sa pagprotekta ng personal na data sa buong mundo ang iba’t ibang hurisdiksyon at malalapat ang mga legal na sistema sa mga sumusunod:
- Sa natitirang bahagi ng mundo, may iba’t ibang legal na panuntunang nalalapat, at gagamitin at poprotektahan namin ang personal na data alinsunod sa mga panuntunang ipinapatupad sa European Economic Area (EEA) na nagtatag ng Pangkalahatang Regulasyon para sa Proteksyon ng Data (General Data Protection Regulation, GDPR). Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga tuntunin ng patakaran sa privacy na ito, hindi mo dapat i-access o gamitin ang website ng Trialbee.
- Sa United States of America, may awtoridad ang Federal Trade Commission sa aming pagsunod kaugnay ng personal na data kung saan nalalapat. Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga tuntunin ng patakaran sa privacy na ito, hindi mo dapat i-access o gamitin ang website ng Trialbee.
1. LAYUNIN
Inilalarawan ng patakaran sa privacy na ito kung paano kinokolekta, ginagamit, pinoproseso, at pinoprotektahan ng Trialbee ang iyong personal na data at ipinapaalam sa iyo ang mga opsyong magagamit mo na nauugnay sa kung paano mo mapapamahalaan ang iyong personal na data.
Inirerekomenda naming basahin mo ang patakaran sa privacy na ito kasama ng anupamang patakaran sa privacy o abiso sa pagpoproseso na maaari naming ibigay sa mga partikular na sitwasyon kapag nangongolekta o nagpoproseso kami ng personal na data tungkol sa iyo upang malaman mo kung paano at bakit namin ginagamit ang iyong data. Nagsisilbing karagdagan ang patakaran sa privacy na ito sa iba pang abiso at hindi nito nilalayong sapawan ang mga ito.
Tinutukoy sa patakaran sa privacy na ito ang Trialbee bilang “namin”, “kami” o “amin” at gaya ng nababanggit sa patakaran sa privacy na ito, responsable kami sa pagproseso ng iyong data.
1.1. Processor
Mayroon kaming opisyal sa pagprotekta ng data na responsable sa pagtugon sa mga tanong, at/o kahilingan na nauugnay sa patakaran sa privacy na ito. Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa patakaran sa privacy na ito, kabilang ang mga kahilingan sa paggamit ng iyong mga legal na karapatan, mangyaring makipag-ugnayan sa opisyal sa pagprotekta ng data gamit ang mga detalye sa pakikipag-ugnayan sa ibaba.
1.2. MGA DETALYE SA PAKIKIPAG-UGNAYAN
Ang mga detalye sa pakikipag-ugnayan ng Trialbee para sa mga tanong at kahilingan kaugnay ng mga karapatan sa privacy ay:
Buong pangalan ng legal na entidad: Trialbee AB, Opisyal sa Pagprotekta ng Data
Email Address: [email protected]
1.3. MGA REKLAMO
May karapatan kang maghain ng reklamo anumang oras sa nauugnay na awtoridad sa pangangasiwa sa bansang tinitirhan mo.
Gayunpaman, ikalulugod namin kung mabibigyan kami ng pagkakataong matugunan ang iyong mga alalahanin bago ka lumapit sa isa sa mga pambansang awtoridad sa pangangasiwa, kaya naman, mangyaring makipag-ugnayan muna sa amin sa [email protected].
Para matuto pa tungkol sa karapatang ito at para mahanap ang naaangkop na Awtoridad sa Privacy ng Data, pumunta sa sumusunod:
- Kung nakatira ka sa Europe, makipag-ugnayan sa website ng European Commission: https://ec.europa.eu/info/policies/justice-and-fundamental-rights_en
- Kung nakatira ka sa UK, pumunta sa website ng Tanggapan ng Komisyoner ng Impormasyon (Information Commissioner’s Office, ICO): www.ico.org.uk
- Kung nakatira ka sa United States, maaari kang makipag-ugnayan sa US Federal Trade Commission sa: https://www.ftc.gov/faq/consumer-protection/submit-consumer-complaint-ftc
- Kung nakatira ka sa lugar sa Asia Pacific, maaari kang makipag-ugnayan sa website ng Mga Awtoridad ng Asia Pacific (Asia Pacific Authorities, APPA): https://www.appaforum.org/contact/
1.4. MGA PAGBABAGO SA PATAKARAN SA PRIVACY AT ANG IYONG TUNGKULING ABISUHAN KAMI TUNGKOL SA MGA PAGBABAGO SA IYONG PERSONAL NA DATA
Nakalaan sa amin ang karapatang baguhin ang patakaran sa privacy na ito at aabisuhan ka namin sa pamamagitan ng pag-update sa abisong ito, kaya mangyaring balik-balikan ang patakaran sa privacy na ito. Mahalagang tumpak at napapanahon ang personal na data na mayroon kami tungkol sa iyo. Mangyaring abisuhan kami kung magbabago ang iyong personal na data habang may kaugnayan ka sa amin sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin sa [email protected].
1.5. MGA LINK NG THIRD-PARTY
Ang website na ito ay maaaring kabilangan ng mga link sa mga website, plug-in, at application ng third-party. Posibleng magawa ng mga third party na mangolekta o magbahagi ng data tungkol sa iyo kapag na-click mo ang mga link na iyon o na-enable mo ang mga koneksyong iyon. Hindi namin kontrolado ang mga website ng third-party na ito at hindi kami responsable para sa kanilang mga pahayag sa privacy. Kapag umalis ka sa aming website, hinihikayat ka naming basahin ang patakaran sa privacy ng bawat website na bibisitahin mo.
2. MGA KAHULUGAN AT ACRONYM
Naka-anonymous: uri ng pag-sanitize ng impormasyon na may layuning protektahan ang privacy. Ito ang proseso ng pag-aalis ng impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan sa mga data set, upang maging anonymous ang pagkakakilanlan ng isang tao.
EEA: European Economic Area
GDPR: General Data Protection Regulation
CCPA: United States California Consumer Privacy Act
ICO: United Kingdom Information Commissioner’s Office
PII: Personal Identifiable Information (Impormasyong Nagbibigay ng Personal na Pagkakakilanlan)
PHI: Protected Health Information (Pinoprotektahang Impormasyon sa Kalusugan)
Mga Third Party:
- Mga service provider na nagsisilbing mga processor at nagbibigay sa amin ng mga serbisyo.
- Mga propesyonal na tagapayo na nagsisilbing mga processor o mga joint controller kabilang ang mga abugado, banker, auditor, at insurer na nagbibigay ng mga serbisyo sa pagpapayo, pagbabangko, legal, insurance, at accounting sa amin.
- Mga regulator at iba pang awtoridad ng estado na nagsisilbing mga processor o joint controller sa alinmang hurisdiksyon kung saan kami nag-o-operate at nag-aatas ng pag-uulat ng pagpoproseso ng mga aktibidad sa ilang partikular na sitwasyon.
Sinasaklaw na Entidad: isang institusyon, organisasyon, o iba pang entidad na napapailalim sa mga panuntunan ng Batas ng 1996 sa Portability at Accountability ng Insurance sa Kalusugan (Health Insurance Portability and Accountability, “HIPAA”) sa United States. Kabilang sa Mga Sinasaklaw na Entidad ang: (i) isang planong pangkalusugan, (ii) isang clearing house para sa pangangalagang pangkalusugan at, (iii) isang provider ng pangangalagang pangkalusugan na nagta-transmit ng anumang impormasyon tungkol sa kalusugan na nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan sa elektronikong form kaugnay ng isang transaksyong sinasaklaw ng HIPAA.
PIHI: Impormasyon sa Kalusugan na Nagbibigay ng Pagkakakilanlan at anumang impormasyon kabilang ang demograpikong impormasyon na nakolekta mula sa isang indibidwal na:
(i) nauugnay sa (a) nakaraan, kasalukuyan, o panghinaharap na kundisyon ng katawan o kalusugan ng pag-iisip ng isang indibidwal; (b) pagbibigay ng pangangalagang pangkalusugan sa isang indibidwal; o (c) nakalipas, kasalukuyan, o panghinaharap na pagbabayad para sa pagbibigay ng pangangalagang pangkalusugan sa indibidwal; at
(ii) tumutukoy sa indibidwal o may makatuwirang batayan upang maniwalang maaari itong magamit para matukoy ang indibidwal; at
(iii) hindi kasama sa PIHI ang mga rekord ng edukasyon o medikal na talaan na sinasaklaw ng Batas sa Mga Karapatan at Privacy na nauugnay sa Pampamilyang Edukasyon o mga rekord sa pagtatrabaho na hawak ng Trialbee bilang isang employer.
Personal na Impormasyon: anumang impormasyon na tumutukoy, nauugnay, naglalarawan, makatuwirang maiuugnay sa, o posibleng makatuwirang maiugnay sa, nang direkta man o hindi direkta, isang partikular na consumer o sambahayan alinsunod sa California Consumer Privacy Act (“CCPA”) sa United States.
3. DATA NA KINOKOLEKTA NAMIN TUNGKOL SA IYO
Tulad ng maraming komersyal na organisasyon, sinusubaybayan namin ang paggamit ng website na ito sa pamamagitan ng pagkolekta ng pinagsama-samang impormasyon gamit ang mga cookie.
Karaniwang nangongolekta kami ng impormasyon tungkol sa bilang ng mga bumibisita sa website, sa bawat web page, at sa pinagmumulang domain name ng Internet Service Provider ng bisita.
Ginagamit ang impormasyong ito para maunawaan ang paggamit ng bisita sa website at posibleng ibahagi ito sa aming mga affiliate at/o iba pang mga third party. Wala kaming maaaring magamit na makatuwirang paraan upang matiyak ang pagkakakilanlan ng mga indibidwal na user mula sa pinagsama-samang impormasyon.
Maaari naming kolektahin, gamitin, at ibahagi ang Pinagsama-samang Data gaya ng pangkalahatang statistical na data para sa anumang layunin. Ang Pinagsama-samang Data ay maaaring makuha mula sa iyong personal na data ngunit hindi ito itinuturing ng batas bilang personal na data dahil hindi inilalantad ng data na ito ang iyong pagkakakilanlan, direkta man o hindi direkta.
Posible rin kaming magsagawa o mangolekta ng mga kategorya ng personal na data tungkol sa iyo na iginugrupo gaya sa sumusunod:
- Subaybayan ang mga traffic pattern ng customer.
- Impormasyon sa paggamit ng site na nakakatulong sa amin na mapahusay ang disenyo at layout ng aming website, at para ma-personalize ang iyong karanasan sa pamamagitan ng pag-aangkop ng content na nakikita mo para ma-optimize ang iyong karanasan bilang user.
- Magsagawa ng statistical na pagsusuri sa mga account ng aming mga miyembro para matukoy ang:
- kung ilan ang aktibo,
- kung gaano kadalas ginagamit ang mga ito, at
- kung ilan sa aming iba pang website ang pinagparehistruhan mo.
- Data ng Pagkakakilanlan kabilang ang pangalan, apelyido sa pagkadalaga, apelyido, username, o katulad na identifier.
- Data ng Pakikipag-ugnayan kabilang ang pisikal na address, delivery address, email address, at mga numero ng telepono.
- Data ng Transaksyon kabilang ang mga detalye ng mga produkto at serbisyo na natanggap o binili mo mula sa amin at/o sa aming mga affiliate. Kabilang dito ang, at hindi ito limitado sa; mga web-form na nangongolekta ng data, impormasyon sa pakikipag-ugnayan, o isang survey.
- Teknikal na Data kabilang ang Internet Protocol (“IP”) address, data sa pag-log in, uri at bersyon ng browser, setting at lokasyon ng time zone, mga uri at bersyon ng plug-in ng browser, operating system at platform, at iba pang teknolohiya na nasa device na ginagamit mo para ma-access ang website na ito.
- Data ng Paggamit kabilang ang impormasyon tungkol sa kung paano mo ginagamit ang aming website, mga produkto, at mga serbisyo.
- Data ng Marketing at Mga Komunikasyon Kabilang ang iyong mga kagustuhan sa pagtanggap ng marketing mula sa amin at/o sa aming mga affiliate.
- Data sa Kalusugan kabilang ang impormasyong nauugnay sa anumang aspeto ng iyong kalusugan at/o mga kahihinatnan ng pagsali sa anumang klinikal na trial na isinasagawa ng aming mga kliyente.
Paminsan-minsan, posibleng kumuha kami ng sensitibong personal na data, halimbawa, impormasyong nauugnay sa kalusugan o kundisyon ng iyong katawan o pag-iisip, ngunit ito ay kung boluntaryo mong ibibigay sa amin ang impormasyong ito at papahintulutan mo ang pagkolekta namin ng naturang impormasyon para sa mga layuning itinakda sa Patakaran sa Privacy na ito at sa anumang partikular na pahayag sa privacy na ibibigay.
Maaari rin kaming kumuha ng impormasyon tungkol sa iyong mga opinyon kung, halimbawa, padadalhan mo kami ng feedback, o mayroon kang mga tanong sa amin.
Posible rin na makatanggap kami paminsan-minsan ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa ibang source na idaragdag namin sa impormasyong mayroon na kami tungkol sa iyo para matulungan kaming mapahusay at ma-personalize ang aming serbisyo sa iyo.
4. PAANO KINOKOLEKTA ANG IYONG PERSONAL NA DATA
Gumagamit kami ng iba’t ibang paraan para makolekta ang mga kategorya ng data na inilalarawan sa itaas sa pamamagitan ng, ngunit limitado sa sumusunod:
- Mga Interaksyon sa Data. Posibleng nagbigay ka ng iyong personal na data sa pamamagitan ng pagsagot sa mga form o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin sa koreo, telepono, at email o iba pang paraan. Kabilang dito ang personal na data na ibinibigay mo kapag ikaw ay:
- nag-a-apply o nagrerehistro online,
- nakikipagkontratang makatanggap ng mga produkto at/o serbisyo, ibig sabihin, isang kontrata sa Trialbee para suportahan ang isang klinikal na trial na sino-sponsor mo,
- humihiling ng impormasyon, at/o
- humihiling na padalhan ka ng materyal sa marketing.
- Mga Naka-automate na Teknolohiya o Interaksyon. Habang nakikipag-interact ka sa aming website, posibleng awtomatiko kaming mangolekta ng teknikal na data tungkol sa iyong equipment, mga pagkilos o pattern sa pag-browse.
- Kinokolekta namin ang personal na data na ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga cookie, mga log file, at iba pang katulad na teknolohiya.
- Posible ring makatanggap kami ng teknikal na data tungkol sa iyo mula sa iba pang website na binibisita mo na gumagamit ng aming mga cookie. Nagbibigay ang pinagsama-samang data na ito ng “macro-view” ng mga traffic pattern ng bisita at nagbibigay ng insight sa kung anong mga seksyon ng website ang pinakabinibisita ng mga user. Walang kahit ano sa impormasyong ito ang nali-link sa anumang personal na impormasyon.
- Nangongolekta at nagla-log kami ng teknikal na data gaya sa inilalarawan sa seksyon 3 sa itaas.
- Mga third-party o mga source na available sa publiko. Posibleng makatanggap kami ng personal na data tungkol sa iyo mula sa iba’t ibang third party at mga pampublikong source gaya ng:
- Mga provider ng analytics gaya ng Piwik Pro
- Mga Advertising Network
- Mga Search Information Provider
- Mga Portal
- Mga Data ng Pakikipag-ugnayan at Transaksyon mula sa mga provider ng mga teknikal na serbisyo, serbisyo sa pagbabayad at paghahatid.
- Data ng Pagkakakilanlan at Pakikipag-ugnayan mula sa mga data broker o aggregate.
5. PAANO NAMIN GINAGAMIT AT INIHAHAYAG ANG IYONG DATA
Hindi ibebenta, ite-trade, o papaupahan ng Trialbee ang iyong PII o PHI sa mga third party. Gayunpaman, posibleng hingin namin sa ibang kumpanya at indibidwal kung minsan na magsagawa ng mga serbisyo sa ngalan namin.
Gagamitin namin ang iyong personal na data sa mga sumusunod na sitwasyon:
- Para magawa ang mga serbisyo o maibigay ang mga produktong hiniling mo,
- Para makahanap ng mga taong gumagawa ng mga online na aktibidad na gaya ng sa iyo o di kaya’y may mga katulad na interes at mabigyan sila ng impormasyon tungkol sa isang posibleng oportunidad sa pananaliksik. Maaari rin itong matawag na “look-a-like modelling”,
- Para makapagsagawa ng mga legal na obligasyon sa iyo, sa aming mga kliyente, o ayon sa iniaatas ng batas,
- Kapag kailangan naming sumunod sa isang legal o panregulatoryong obligasyon.
- Sa EEA, kapag kinakailangan para sa mga lehitimong interes namin o ng third party, at kapag hindi nao-override ng iyong mga interes at mga pangunahing karapatan ang mga interes na iyon.
Hindi ibabahagi ng Trialbee ang iyong personal na data maliban na lang kung:
- Ipinaalam na namin sa iyo ang tungkol dito at nakakuha na kami ng pahintulot mo, o
- May legal o panregulatoryong obligasyon, o
- Inaatasan kami ng batas na ibahagi ang data.
Kaugnay ng paggamit ng iyong personal na data gaya sa inilalarawan sa itaas, gagawin lang namin ito kung (i) mayroon kami ng pahintulot mo o (ii) kasalukuyan kang nakakatanggap ng mga komunikasyong ito. Mayroon kang karapatan na bawiin ang pahintulot mo sa marketing sa anumang oras sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin sa email sa [email protected].
Pagdedeklara ng Pahintulot
Ilalarawan sa mga website ng pag-aaral ng Trialbee kung paano namin planong gamitin ang iyong data. Karaniwang lumalabas ang paghingi ng pahintulot na ito bago ang o pagkatapos ng isang online na questionnaire, pero laging bago ka magsumite ng anumang personal na data sa amin.
5.1. BAKIT AT PAANO NAMIN GINAGAMIT ANG IYONG DATA
Inilalarawan sa matrix sa ibaba ang mga paraan kung paano namin pinaplanong gamitin ang iyong personal na data, ang legal na batayan nito, at tinutukoy dito ang mga lehitimong interes kapag naaangkop.
Tandaan na posibleng iproseso namin ang iyong personal na data para sa mahigit sa isang legal na dahilan depende sa mga partikular na layunin, nakatakda na ito sa talahanayan sa ibaba:
Paano namin pinaplanong gamitin ang iyong data: |
(Mga) kategorya ng data |
Legal na batayan para sa pagpoproseso, kabilang ang lehitimong interes |
Para makumpleto ang iyong kahilingan sa pagpaparehistro. |
|
Pagpapatupad ng kontrata sa iyo o kapag hiniling mo/kapag nagsumite ka ng pagpaparehistro. |
Para makapagproseso at makapaghatid ng mga serbisyo/produkto at/o makapagsagawa ng mga obligasyon ayon sa kontrata para sa iyo. |
|
|
Para mapamahalaan ang aming kaugnayan sa iyo kung saan maaaring maging kabilang ang:
|
|
|
Para mapag-aralan kung paano ginagamit ang aming mga produkto/serbisyo at para ma-develop at mapalago ang aming mga produkto/serbisyo at aming negosyo kapag sumagot ka ng survey/questionnaire o kapag ginamit mo ang aming mga produkto/serbisyo. |
|
|
Para maisaalang-alang kung kuwalipikado/karapat-dapat ka sa pakikilahok sa isang klinikal na trial, na nauugnay sa isang klinikal na pagsisiyasat, o klinikal na programa sa suporta na sino-sponsor ng aming mga kliyente. |
|
|
Para mapangasiwaan at maprotektahan ang aming negosyo at ang website na ito, kabilang ang pag-troubleshoot, pag-analisa ng data, pagsusuri, system maintenance, suporta, pag-uulat, at pag-host ng data. |
|
|
Para makapaghatid ng nauugnay na content ng website at mga advertisement sa iyo at masukat o maunawaan ang pagiging epektibo ng advertising na inihahatid namin sa iyo. |
|
Kinakailangan para sa aming mga lehitimong interes, para mapag-aralan kung paano ginagamit ng mga customer ang aming mga produkto/serbisyo, para ma-develop ang mga ito, mapalago ang aming negosyo, at mapahusay ang aming diskarte sa marketing. |
Para makagamit ng analytics ng data para mapahusay ang aming website, mga produkto at serbisyo, marketing, mga ugnayan sa customer, karanasan, at para makapagbigay ng rekord ng audit para sa pahintulot. |
|
Kinakailangan para sa aming mga lehitimong interes, para matukoy ang mga uri ng mga customer para sa aming mga produkto at serbisyo, para mapanatiling updated at may kaugnayan ang aming website, para mapalago ang aming negosyo, at mapahusay ang aming diskarte sa marketing. |
Para makagawa ng mga rekomendasyon para sa iyo tungkol sa mga produkto o serbisyo na posibleng kinaiinteresan mo. |
|
Kinakailangan para sa aming mga lehitimong interes, para ma-develop ang aming mga produkto at serbisyo, at mapalago ang aming negosyo. |
Para makasunod sa mga legal na obligasyon, kabilang ang mga pagsisiyasat ng pamahalaan, subpoena, o iba pang legal na proseso o kung hindi man, kapag kinakailangan para maiwasan ang pisikal o pinansyal na pagkapinsala o para maiwasan ang krimen at panloloko. |
|
|
5.2. PAGHAHAYAG NG IMPORMASYON SA MGA THIRD PARTY
Posibleng ibahagi ng Trialbee ang iyong personal na data sa aming mga pinagkakatiwalaang kliyente at service provider kapag kinakailangan, gaya ng nakatakda sa ibaba para sa mga layuning nakatakda sa talahanayan sa seksyon 5.1 sa itaas.
- Mga sentro ng klinikal na pananaliksik, mga site, o mga klinika na nagsasagawa ng klinikal na trial kung saan mo isinumite ang iyong impormasyon.
- Mga third party na sub-contractor na nagbibigay ng mga serbisyo para sa amin at/o tumutulong sa pagbibigay ng mga serbisyo sa iyo.
- Mga third party na sub-contractor na nagbebenta, naglilipat, nagme-merge.
- Kapag nagkaroon ng pagbabago sa kontrol kaugnay ng aming negosyo, posibleng gamitin ng mga bagong may-ari ang iyong personal na data sa parehong paraang nakatakda sa patakaran sa privacy na ito.
- Maaari kaming maghayag ng personal na impormasyon sa tagapagpatupad ng batas, mga awtoridad ng pamahalaan, o kung hindi man, bilang pagtugon sa isang legal na subpoena o proseso ayon sa iniaatas ng naaangkop na batas o sa mga sitwasyon kung saan may posibilidad ng pagkakaroon ng pisikal o pinansyal na pagkapinsala, panloloko, o krimen.
Inaatasan namin ang lahat ng third party na igalang ang seguridad ng iyong personal na data at tratuhin ito alinsunod sa batas.
Hindi namin pinapayagan ang aming mga third-party na service provider na gamitin ang iyong personal na data para sa mga pansarili nilang layunin at pinapahintulutan lang silang iproseso ang iyong personal na data para sa mga tinukoy na layunin at alinsunod sa aming mga tagubilin.
Hindi namin ibinebenta o pinapaupahan ang iyong personal na data sa sinumang third party. Ang paggamit at paghahayag namin ng PHI ay limitado lang sa minimum na kinakailangan para magawa ang nilalayon ng isang partikular na klinikal na trial at ginagamit kaugnay ng mga aktibidad sa pagtatasa ng kwalipiaksyon para sa mga naturang klinikal na pananaliksik na pag-aaral. Kabilang dito ang paggamit ng mga questionnaire sa pag-aaral na nagtatanong lang ng mga bagay na may kaugnayan sa partikular na klinikal na pananaliksik na pag-aaral gaya sa tinukoy sa mga naaprubahang protokol. Hindi ihahayag ang iyong impormasyon maliban na lang kung mayroon kaming malinaw na pahintulot mula sa iyo.
5.3. PAGGAMIT NG DATA SA KALUSUGAN SA UNITED STATES
Nagpapatupad ang Health Insurance Portability and Accountability Act of 1996 (“HIPAA”) at mga kasunod na regulasyong nailathala ng Departamento ng Mga Serbisyo sa Kalusugan at Tao (Department of Health and Human Services, “DHHS”) ng mga paghihigpit sa iba pang organisasyon (Mga Sinasaklaw na Entidad) na posibleng saklawin sa ilalim ng HIPAA alinsunod sa kaugnayan mo sa Trialbee. Posibleng atasan ang Trialbee na sumunod sa ilang partikular na aspeto ng HIPAA sa kanilang pagsasagawa ng mga aktibidad sa pananaliksik na kinasasangkutan ng taong subject, kapag nagbibigay ng mga serbisyo sa pag-recruit para sa isa sa mga organisasyong ito.
Bagama’t hindi maituturing na Sinasaklaw na Entidad ang Trialbee gaya sa inilalarawan sa mga regulasyon sa privacy ng HIPAA, sa aming mga patakaran, at mga pamamaraan, na nangangasiwa sa mga kalahok sa pananaliksik na kabilang sa patakaran sa privacy na ito, compatible sa mga kinakailangan ng HIPAA para sa Mga Sinasaklaw na Entidad at magiging pamantayan para sa mga aktibidad ng pananaliksik na kinasasangkutan ng PIHI.
Ang lahat ng data ng PIHI na makokolekta ng Trialbee kaugnay ng pag-recruit para sa klinikal na pag-aaral ay kinukuha sa elektronikong paraan at tina-transmit sa pamamagitan ng isang secure na koneksyon sa network papunta sa isang secure na database. Sumusunod ang mga patakaran sa seguridad ng data ng Trialbee sa mga pamantayan ng Mahuhusay na Klinikal na Kagawian, HIPAA, at GDPR.
5.4. PAG-OPT OUT SA MGA KOMUNIKASYON MULA SA TRIALBEE
Maaari kang mag-opt out at humiling sa amin na huwag ka nang padalhan ng impormasyon, at/o mga paalala, anumang oras sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin sa [email protected].
Kapag nag-opt out ka sa pagtanggap ng impormasyon, at/o mga paalala, hindi ito makakaapekto sa personal na data na ibinigay sa amin dahil sa isang produkto/serbisyo gaya ng pagpaparehistro, karanasan sa produkto/serbisyo o iba pang transaksyon.
5.5. PAGGAMIT NG MGA COOKIE
Gumagamit kami ng mga cookie at iba pang teknolohiya para mapahusay ang aming website sa pagrerekord ng impormasyong partikular sa user sa mga webpage na ina-access o binibisita. Ang paggamit ng mga cookie ay nagbibigay-daan sa mas magandang karanasan ng user kapag bumabalik ang mga bisita sa website.
Bukod sa paggamit ng mga talagang kinakailangang cookie, na tumutukoy sa mga cookie na nagbibigay-daan sa website na magbukas at gumana, gumagamit kami ng mga cookie para sa mga sumusunod:
- para malaman kung paano ginagamit ang aming website at kung kumusta ang performance nito, kabilang ang mga istatistika sa iba’t ibang site,
- para mabigyan ka ng mga karagdagang functionality at pag-personalize,
- para mabigyan ka ng mga interaksyon sa social media, at
- para sa mga layunin ng pag-target at marketing.
Maaari mong itakda ang browser mo na tanggihan ang lahat ng o ilan sa mga browser cookie, o padalhan ka ng alerto kapag nagtakda o nag-access ng mga cookie ang mga website. Kung idi-disable o tatanggihan mo ang mga cookie, posibleng hindi ma-access o hindi gumana nang maayos ang ilang bahagi ng website.
5.5.1. MGA KAGUSTUHAN AT PAHINTULOT SA PRIVACY NG COOKIE
Kapag tinanggap mo ang mga cookie, nagbibigay ka ng pahintulot na ma-store ang mga cookie na iyon sa iyong computer, tablet, o smartphone. Kapag nag-opt out ka sa mga cookie, hindi mo makikita ang lahat ng content ng website.
5.5.2. PAGGAMIT NG DATA PARA SA MARKETING
5.5.3. PAHAYAG SA COOKIE NG TRIALBEE
Gumagamit kami ng mga cookie para mapagana sa pinakamainam na paraan ang website. Ginagamit ang mga cookie para ma-save ang iyong mga setting, maanalisa kung paano ka mag-browse, at ma-customize ang content para umangkop ito sa iyo. Ginagamit din ang mga ito para ma-promote ang aming mga serbisyo, at nanggagaling ang ilang cookie sa mga kumpanyang nakikipagtulungan sa amin.
6. PAGPROSESO NG DATA
Ang Trialbee AB, na may numero ng pagpaparehistro ng kumpanya na 556814-3019, address: Södra Tullgatan 3, 211 40 Malmö, Sweden, [email protected], ay nangangalap, nagpoproseso, nagso-store, at nagbabahagi ng personal na data sa ngalan ng Controller para sa pag-recruit sa klinikal na pananaliksik.
Layunin ng Controller (ang Sponsor ng pananaliksik na pag-aaral, AstraZeneca PLC) na magsagawa ng klinikal na pag-aaral para matukoy ang kaligtasan at pagiging epektibo ng sinisiyasat na produkto. Kaugnay ng pagpoproseso ng iyong personal na data sa panahon ng proseso ng aplikasyon, ang Controller ang tagakontrol ng data na responsable sa pagproseso ng iyong personal na data alinsunod sa nalalapat na batas sa pagprotekta ng data. Gayunpaman, itinalaga ng Controller sa Trialbee AB (“Trialbee”) ang pagproseo ng iyong aplikasyon para sa pag-aaral.
Kung interesado kang lumahok sa pag-aaral na ito, hihilingin sa iyo ng Trialbee, sa ngalan ng Controller, na magbigay ka ng ilang partikular na impormasyon tungkol sa iyong sarili para maproseso ang iyong aplikasyon para sa pag-aaral. Binibigyang-daan kami nito na matasa ang iyong potensyal na kwalipikasyon para sa pag-aaral at makaugnayan ka sa panahon ng proseso ng aplikasyon. Ang impormasyong nilalayon naming kolektahin ay ang iyong pangalan, (mga) numero ng telepono, e-mail address, at mga sagot sa mga bagay na itinanong namin para sa pagtukoy ng iyong pagiging kuwalipikado. Ang mga sagot na ito ay maaaring kabilangan ng impormasyon tungkol sa iyong kalusugan. Ginagamit lang ang impormasyon sa kalusugan para sa mga layunin ng pagtukoy ng iyong pagiging kuwalipikado para sa klinikal na pag-aaral na ito.
Ang impormasyon tungkol sa iyo ay sino-store sa system ng Trialbee hanggang sa makumpleto ang pag-recruit para sa klinikal na pag-aaral o hanggang sa hilingin mong i-delete ang data sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected], alinman ang maunang mangyari.
Maaari mong bawiin sa anumang ang iyong pahintulot sa pagpoproseso ng Controller sa iyong personal na data para sa mga layunin ng pagsusuri ng iyong aplikasyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Trialbee sa [email protected]. Kung babawiin mo ang iyong pahintulot, ihihinto na ng Trialbee ang pagproseso sa iyong personal na data. Kung ibinahagi ang iyong impormasyon sa isang mapagkakatiwalaang third party, aabisuhan namin sila tungkol sa iyong pagbawi. Kung pinili mong lumahok sa klinikal na trial at nilagdaan mo na ang Form ng May-kabatirang Pahintulot (Informed Consent Form, “ICF”), kakailanganin mong ipaalam ang iyong kahilingan sa sentro ng pananaliksik.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagproseso ng Trialbee sa iyong personal na data sa ngalan ng Controller at sa iyong mga karapatan alinsunod sa naaangkop na batas sa pagprotekta ng data, tingnan ang seksyon 6.1.
6.1. IMPORMASYON NG SUBJECT NG DATA
Nakalista sa ibaba ang impormasyon tungkol sa pagproseso ng Trialbee sa iyong personal na data sa ngalan ng Controller para mairehistro ang iyong impormasyon para sa klinikal na pananaliksik na pag-aaral na ito.
AstraZeneca PLC (ang Controller)
Isang kumpanyang limitado sa publiko na nakarehistro sa England at Wales sa ilalim ng numero ng kumpanyang 02723534
1 Francis Crick Avenue, Cambridge Biomedical Campus, Cambridge, CB2 0AA
Nauugnay na point of contact
Trialbee AB (“Trialbee”) (ang Processor)
Numero ng pagpaparehistro ng kumpanya na 556814-3019
Södra Tullgatan 3
211 40, Malmö
Sweden
Mga kategorya ng personal na data
Pangalan, (mga) numero ng telepono, e-mail address, kasarian, edad, at mga sagot sa mga tanong na hinihingi namin sa iyo para sa pagtukoy ng pagiging kuwalipikado. Ang mga sagot na ito ay maaaring kabilangan ng impormasyon tungkol sa iyong kalusugan.
Layunin ng pagpoproseso
Para mapangasiwaan ang iyong pagpaparehistro para sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagtatasa sa iyong pagiging kuwalipikado at pakikipag-ugnayan sa iyo sa panahon ng proseso ng pre-qualification.
Legal na batayan para sa pagpoproseso
Ang iyong pahintulot.
Legal na batayan para sa pagproseso ng personal na data tungkol sa iyong kalusugan
Ang iyong pahintulot.
Mga kategorya ng tagatanggap
Ang personal na data ay ipoproseso ng Trialbee sa ngalan ng Controller. Posible ring ibahagi ang iyong personal na data sa mga taong may kinalaman sa pagpoproseso ng iyong aplikasyon sa ngalan ng Trialbee, ibig sabihin, mga medikal na propesyonal na kumikilos sa ngalan ng Controller at/o kinakaugnayan ng Trialbee sa ngalan ng Controller at/o staff mula sa isang klinikal ng pag-aaral (kilala rin bilang sentro ng pananalisik, o site) na maaaring makipag-ugnayan sa iyo para sa pagtukoy ng pagiging kuwalipikado sa pag-aaral. Ito lang ang mga partidong magkakaroon ng access sa impormasyong ito.
Panahon ng pagpapanatili
Papanatilihin ng Trialbee ang iyong personal na data, sa ngalan ng Controller, hanggang sa makumpleto ang pag-recruit para sa klinikal na pag-aaral o hanggang sa hilingin mong i-delete ang data, alinman ang mauna.
Ang iyong mga karapatan
Alinsunod sa mga naaangkop na batas sa proteksyon ng data, may karapatan kang humiling ng access sa o para sa pagwawasto ng iyong personal na data. Bukod pa rito, at hanggang sa sukdulang nakatakda sa naaangkop na batas sa proteksyon ng data, maaari mong hilingin na burahin ang personal na data o paghigpitan ang pagproseso sa iyong personal na data. Sa ilalim ng ilang partikular na sitwasyon, may karapatan ka ring tumutol sa pagproseso at may karapatan ka sa pagiging portable ng data alinsunod sa naaangkop na batas sa proteksyon ng data. Kung gusto mong gamitin ang alinman sa mga karapatang nabanggit sa itaas, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa Trialbee (tingnan ang mga detalye sa pakikipag-ugnayan sa itaas). Kapag nakabatay sa iyong pahintulot ang pagproseso ng iyong personal na data, maaari mong bawiin ang naturang pahintulot anumang oras sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Controller o sa Trialbee. Kung hindi ka masisiyahan sa pagproseso namin ng iyong personal na data, mangyaring ipaalam ito sa amin, at gagawin namin ang aming makakaya para matugunan ang iyong mga reklamo. Napakahalaga ng iyong integridad para sa amin, at palagi naming pinagsisikapang maprotektahan at ma-secure ang iyong personal na data sa pinakamainam na paraang posible. Kung sakali man, sa iyong opinyon, ay mabigo kami sa ambisyong ito, pakitandaan na may karapatan kang maghain ng reklamo anumang oras sa nauugnay na awtoridad sa pangangasiwa sa bansa kung saan ka nakatira.
7. PAGLILIPAT NG PERSONAL NA DATA
Maaaring ma-store at maproseso ang iyong personal na impormasyon sa alinmang bansa kung saan kami mayroong mga pasilidad o service provider, at sa pamamagitan ng paggamit sa aming Serbisyo o sa pamamagitan ng pagbibigay ng pahintulot sa amin (kung iniaatas ng batas), sumasang-ayon ka sa paglilipat ng impormasyon sa mga bansa sa labas ng bansang tinitirhan mo, kabilang na ang United States, na posibleng magbigay ng mga naiibang panuntunan sa proteksyon ng data kumpara sa iyong bansa. May mga ipinapatupad na naaangkop na hakbang ayon sa kontrata at iba pang hakbang para maprotektahan ang personal na impormasyon kapag inililipat ito sa aming mga affiliate o sa mga third party sa ibang mga bansa.
8. SEGURIDAD NG DATA
Nagpapatupad kami at ang aming mga third-party na partner sa pag-host ng mga naaangkop na panseguridad na hakbang upang maiwasang mawala, magamit, o ma-access ang iyong personal na data sa isang hindi awtorisadong paraan, mabago ito, o di kaya’y maihayag. Bukod pa rito, nililimitahan namin ang access sa iyong personal na data nang may pinakakaunting pribilehiyo sa iyong personal na data para sa mga empleyado, ahente, contractor, at iba pang mga third party na may karapatang malaman ito. Ipoproseso lang nila ang iyong personal na data batay sa aming mga tagubilin, at napapailalim sila sa isang tungkulin sa pagpapanatili ng kumpidensyalidad.
Mayroon kaming mga sinusunod na pamamaraan para sa pagtugon sa mga pinaghihinalaang paglabag sa seguridad ng data at aabisuhan ka namin at ang sinumang naaangkop na regulator tungkol sa mga paglabag alinsunod sa mga nauugnay na legal na kinakailangan.
9. PAGPAPANATILI NG DATA
Papanatilihin lamang namin ang iyong personal na data hangga’t kinakailangan upang maisakatuparan ang layunin kung bakit namin ito kinolekta, kabilang na para sa layunin ng pagsunod sa anumang kinakailangan para sa batas, accounting, o pag-uulat.
Para matukoy ang naaangkop na panahon ng pagpapanatili para sa personal na data, isinasaalang-alang namin ang dami, katangian, at pagkasensitibo ng personal na data, ang potensyal na panganib o pinsala mula sa hindi awtorisadong paggamit o paghahayag ng iyong personal na data, ang mga layunin kung bakit namin pinoproseso ang personal na data mo, at kung maisasakatuparan ba namin ang mga layuning iyon sa pamamagitan ng ibang pamamaraan, kasama na ang mga naaangkop na legal na kinakailangan.
Ginagawa rin naming anonymous ang iyong personal na data (para hindi na ito maiugnay sa iyo) para sa mga layunin ng pananaliksik o istatistika kung saan maaari naming gamitin ang impormasyong ito nang walang limitasyon nang walang karagdagang abiso sa iyo.
10. ANG IYONG MGA KARAPATAN SA PRIVACY NG DATA SA ILALIM NG GDPR AT UK PRIVACY
Sa ilalim ng ilang partikular na sitwasyon sa EEA at UK, mayroon ka ng mga sumusunod na karapatan sa ilalim ng mga batas sa proteksyon ng data kaugnay ng iyong personal na data:
Humiling ng access sa iyong personal na data (karaniwang tinatawag na “kahilingan sa pag-access ng subject ng data”). Binibigyang-daan ka nitong makatanggap ng kopya ng personal na data na hawak namin tungkol sa iyo at masuri kung legal namin itong pinoproseso.
Humiling ng pagwawasto ng personal na data na hawak namin tungkol sa iyo. Binibigyang-daan ka nitong maipawasto ang anumang hindi kumpleto o hindi tumpak na data na mayroon kami tungkol sa iyo, bagama’t posibleng kailanganin naming i-verify ang pagiging tumpak ng bagong data na ibinibigay mo sa amin.
Humiling ng pagbubura ng iyong personal na data. Binibigyang-daan ka nitong hilingin sa amin na i-delete o alisin ang personal na data kung wala naman nang makatuwirang dahilan para ipagpatuloy namin ang pagproseso rito. Mayroon ka ring karapatan na hilingin sa amin na i-delete o alisin ang iyong personal na data kung matagumpay mong nagamit ang iyong karapatan sa pagtutol sa pagpoproseso (tingnan sa ibaba), kapag posibleng naproseso namin ang iyong impormasyon sa paraang labag sa batas o kapag inaatasan kaming burahin ang iyong personal na data para makasunod sa lokal na batas. Gayunpaman, tandaan na posibleng hindi kami palaging makasunod sa iyong kahilingan kaugnay ng pagbura para sa mga partikular na legal na dahilan na ipagbibigay-alam sa iyo, kung naaangkop, sa oras na paghiling mo.
Tumutol sa pagpoproseso ng iyong personal na data kung saan may pinagbabatayan kaming lehitimong interes (o ng mga third party) at nasa isang sitwasyon ka para tutulan ang pagpoproseso dahil sa tingin mo ay nakakaapekto ito sa iyong mga pangunahing karapatan at kalayaan. May karapatan ka ring tumutol kapag pinoproseso namin ang iyong personal na data para sa mga layunin ng direktang marketing. Sa ilang sitwasyon, posibleng ipakita namin na mayroon kaming makatuwirang lehitimong batayan para iproseso ang iyong impormasyon na nag-o-override sa iyong mga karapatan at kalayaan.
Humiling ng paghihigpit sa pagpoproseso ng iyong personal na data. Binibigyang-daan ka nitong hilingin sa amin na suspindihin ang pagproseso ng iyong personal na data sa mga sumusunod na sitwasyon: (a) kung gusto mong ayusin namin ang katumpakan ng data; (b) kapag labag sa batas ang paggamit namin sa data ngunit ayaw mong burahin namin ito; (c) kapag kailangan mong ipahawak sa amin ang data kahit na hindi na namin ito kailangan dahil kailangan mo ito para paghahain, paggamit, o pagtatanggol ng mga legal na claim; o (d) tumutol ka sa paggamit namin sa iyong data ngunit kailangan naming i-verify kung mayroon kaming mga nag-o-override na lehitimong batayan para magamit ito.
Humiling ng paglilipat ng iyong personal na data sa iyo o sa isang third party. Ibibigay namin sa iyo, o sa isang third party na pinili mo, ang iyong personal na data sa isang format na naka-structure, karaniwang ginagamit, at nababasa ng machine. Tandaang nalalapat lang ang karapatang ito sa naka-automate na impormasyon na pauna mong pinahintulutang gamitin namin o kung saan ginamit namin ang impormasyon para makapagsagawa ng kontrata kasama ka.
Bawiin ang pahintulot sa anumang oras kung saan nakabatay kami sa pahintulot para iproseso ang iyong personal na data. Gayunpaman, hindi nito maaapektuhan ang pagiging legal ng anumang pagprosesong naisagawa na bago mo bawiin ang iyong pahintulot. Kung babawiin mo ang iyong pahintulot, posibleng hindi namin maibigay ang ilang partikular na produkto o serbisyo sa iyo. Aabisuhan ka namin kung ganito nga ang mangyayari kapag binawi mo ang iyong pahintulot.
Kung gusto mong gamitin ang alinman sa mga karapatang nakatakda sa itaas, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa [email protected].
Sa EEA, may karapatan kang maghain ng reklamo anumang oras sa nauugnay na pambansang awtoridad sa pangangasiwa. Halimbawa, sa UK, ito ang Tanggapan ng Komisyoner ng Impormasyon (Information Commissioner’s Office, ICO), ang awtoridad sa pangangasiwa sa UK para sa mga isyu sa proteksyon ng data (www.ico.org.uk). Gayunpaman, ikalulugod namin kung mabibigyan kami ng pagkakataong matugunan ang iyong mga alalahanin bago ka lumapit sa isa sa mga pambansang awtoridad sa pangangasiwa, kaya naman, mangyaring makipag-ugnayan muna sa amin.
May available na listahan ng Mga Awtoridad sa Pangangasiwa rito: http://ec.europa.eu/justice/data-protection/bodies/authorities/index_en.htm..
10.1. WALANG KINAKAILANGANG BAYARIN
Hindi mo kailangang magbayad ng bayarin para ma-access ang iyong personal na data o para magamit ang alinpaman sa mga karapatan sa itaas.
11. ANG IYONG MGA KARAPATAN SA PRIVACY NG DATA SA ILALIM NG CCPA
Kung isa kang residente ng California, mayroon ka ng mga sumusunod na karapatan sa ilalim ng Batas ng California sa Privacy ng Consumer (https://oag.ca.gov/privacy/ccpa), kaugnay ng iyong personal na data:
- Ang karapatang malaman kung anong Personal na Impormasyon ang kinolekta, ginamit, inihayag, at ibinenta namin tungkol sa iyo. Para magsumite ng kahilingan para malaman ito, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa [email protected]. Maaari ka ring magtalaga ng awtorisadong ahente para humiling ng access sa ngalan mo.
- Ang karapatang hilingin sa amin na i-delete ang anumang Personal na Impormasyon na nakolekta namin tungkol sa iyo. Para magsumite ng kahilingan sa pag-delete, mangyaring makipag-ugnayan sa amin. Maaari ka ring magtalaga ng awtorisadong ahente para humiling ng pag-delete sa ngalan mo.
- Ang karapatang mag-opt out sa pagbebenta ng iyong personal na impormasyon.
- Ang karapatan sa hindi pandidiskrimina dahil sa paggamit ng iyong mga karapatan sa ilalim ng mga karapatan sa CCPA.
Kapag ginamit mo ang mga karapatang ito at nagsumite ka ng angkop na kahilingan sa amin, ive-verify namin ang iyong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng paghingi sa iyo ng impormasyong nagbibigay ng pagkakakilanlan gaya ng iyong email address, numero ng telepono, at/o impormasyon tungkol sa iyong account sa amin. Maaari rin kaming gumamit ng third-party na provider ng pag-verify para ma-verify ang iyong pagkakakilanlan. Pakitandaan na inaatasan lang kaming kilalanin ang mga naturang kahilingan nang dalawang beses sa isang 12-buwang panahon.
Ang paggamit mo sa mga karapatang ito ay hindi magkakaroon ng masamang epekto sa presyo at kalidad ng aming mga produkto o serbisyo.
12. MGA BATA
Ang aming website ay para sa adult na audience (gaya ng mga indibidwal na interesado sa klinikal na pananaliksik, mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan, mga investor, at mga indibidwal na naghahanap ng impormasyon tungkol sa Trialbee at sa aming mga produkto at serbisyo). Hindi kami intensyonal na nangongolekta ng impormasyon mula sa o tungkol sa mga bata. Mangyaring huwag gamitin ang website na ito kung wala ka pang 18 taong gulang.
13. IBA PANG IMPORMASYON
Dapat mong tandaan na kapag ibinenta o inilipat ang aming negosyo (o anumang bahagi nito) anumang oras, posibleng maisama sa mga maililipat na asset ang impormasyong hawak namin bagama’t patuloy na gagamitin lang ito alinsunod sa Patakaran sa Privacy na ito.
Para sa mga layunin sa pagkontrol ng kalidad at pagsasanay, posibleng subaybayan o irekord namin ang iyong mga pakikipag-ugnayan sa amin.